Upgrade sa One UI 6.0 (Android 14)
Quick panel
Bagong layout ng button
May bagong layout ang quick panel na mas magpapadali sa pag-access sa mga feature na pinakaginagamit mo. May kanya-kanya nang button ang Wi-Fi at Bluetooth sa itaas ng screen, habang inilipat sa ibaba ang mga visual na feature, tulad ng Dark mode at Eye comfort shield. Makikita ang mga button ng ibang mga quick setting sa isang nako-customize na lugar sa gitna.
Ma-access kaagad ang buong quick panel
Bilang default, may lalabas na compact na quick panel na may mga notification kapag nag-swipe ka pababa mula sa itaas ng screen. Kapag nag-swipe ulit pababa, matatago ang mga notification at makikita ang na-expand na quick panel. Kung io-on mo ang instant access sa Mga quick setting, matitingnan mo ang na-expand na quick panel sa pamamagitan ng pag-swipe nang isang beses mula sa kanang bahagi ng itaas ng screen. Kapag nag-swipe pababa mula sa kaliwang bahagi, makikita ang mga notification.
Mabilis na ma-access ang kontrol sa liwanag
Lalabas na bilang default ang control bar ng liwanag sa compact na mabilisang panel kapag nag-swipe ka pababa nang isang beses mula sa itaas ng screen para sa mas mabibilis at mas madadaling pag-adjust ng liwanag.
Pinahusay na display ng album art
Habang nagpe-play ng musika o mga video, masasakop ng album art ang buong media controller sa notification panel kung may album art ang app na nagpe-play ng musika o video.
Pinagandang layout para sa mga notification
Lalabas na bilang hiwalay na card ang bawat notification, kaya mas madaling tukuyin ang mga indibidwal na notification.
Mas malilinaw na icon ng notification
Puwede mong gamitin ang mga mismong full-color na icon na ginagamit para sa bawat app sa Home screen at Apps screen. Mao-on mo ito sa Settings.
Isalansan ang mga notification ayon sa oras
Mababago mo na ang iyong mga setting ng notification para magsalansan ayon sa oras sa halip na ayon sa prayoridad para palaging nasa itaas ang iyong mga pinakabagong notification.
I-lock ang screen
Baguhin ang posisyon ng iyong clock
Mas malaya ka na ngayong ilipat ang iyong clock sa posisyong gusto mo sa Lock screen.
Home screen
Mga pinasimpleng icon label
Nasa iisang linya na lang ngayon ang mga icon label para mas maaliwalas at mas simple itong tingnan. Inalis na ang "Galaxy" at "Samsung" sa ilang pangalan ng app para gawing mas maikli at mas madaling i-scan ang mga ito.
Mag-drag at mag-drop gamit ang 2 kamay
Magsimulang mag-drag ng mga icon o widget ng app sa iyong Home screen gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa screen kung saan mo gustong i-drop ang mga ito.
Multitasking
Panatilihing nakabukas ang mga pop-up window
Sa halip na i-minimize ang mga pop-up window kapag pumupunta ka sa screen na Mga Kamakailan, mananatili nang nakabukas ang mga pop-up pagkaalis mo sa screen na Mga Kamakailan para maipagpatuloy mo ang ginagawa mo.
Samsung Keyboard
Bagong disenyo ng emoji
In-update at may bago nang disenyo ang mga emoji na nakikita sa iyong mga mensahe, post sa social media, at sa iba pang bahagi ng phone mo.
Pagbabahagi ng content
Mga preview ng larawan
Kapag nagbabahagi ka ng mga larawan mula sa anumang app, lalabas ang mga preview na larawan sa itaas ng panel na Ibahagi para bigyan ka ng isa pang pagkakataong i-review ang mga larawan bago ibahagi ang mga ito.
Lagay ng panahon
Bagong widget para sa Lagay ng Panahon
Magbibigay ang widget para sa mga insight sa Lagay ng Panahon ng higit pang impormasyon tungkol sa lagay ng panahon sa inyong lugar. Makikita sa forecast kung kailan ang magkakaroon ng malalakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat, pag-ulan ng niyebe, ulan, at iba pang kaganapan.
Marami pang impormasyon sa app para sa Lagay ng Panahon
Makikita na ngayon sa sa app para sa Lagay ng Panahon ang impormasyon tungkol sa pag-ulan ng niyebe, mga phase at oras ng paglitaw at paglubog ng buwan, atmospheric pressure, visibility distance, dew point, at direksyon ng hangin.
Interactive na view ng mapa
Mag-swipe para magpalipat-lipat ng puwesto sa mapa at mag-tap ng lokasyon para tingnan ang lagay ng panahon sa partikular na lugar. Makakatulong sa iyo ang mapa na maghanap ng impormasyon sa lagay ng panahon kahit na hindi mo alam ang pangalan ng lungsod.
Mga pinagandang ilustrasyon
Pinaganda ang mga ilustrasyon sa widget at app para sa Lagay ng Panahon para magbigay ng mas mahusay na impormasyon tungkol sa kasalukuyang lagay ng panahon. Magbabago rin ang mga kulay ng background depende sa oras ng araw.
Camera
Simple at intuitive na disenyo
Pinasimple na ang kabuuang layout ng Camera app. Binago ang disenyo ng mga button ng mga quick setting sa preview screen para mas madaling maunawaan ang mga ito.
Mga custom na widget ng camera
Puwede kang magdagdag ng mga custom na widget ng camera sa iyong Home screen. Puwede mong itakda ang bawat widget na magsimula sa isang partikular na shooting mode at mag-save ng mga larawan sa isang album na pipiliin mo.
Mas marami pang opsiyon sa pag-align para sa mga watermark
Mapipili mo na kung lalabas ang iyong watermark sa itaas o ibaba ng mga litrato mo.
Mag-scan ng mga dokumento nang walang kahirap-hirap
Hiniwalay ang feature na Mag-scan ng dokumento sa Optimizer ng scene para makapag-scan ka ng mga dokumento kahit na naka-off ang Optimizer ng scene. Magbibigay-daan sa iyo ang bagong Awtomatikong pag-scan na awtomatikong mag-scan ng mga dokumento sa tuwing kumukuha ka ng larawan ng isang dokumento. Kapag na-scan na ang isang dokumento, dadalhin ka sa screen ng pag-edit kung saan puwede mong i-rotate ang iyong dokumento para i-align ito sa paraang gusto mo.
Quick access sa mga setting ng resolution
May available nang button ng resolution sa mga quick setting sa itaas ng screen sa Photo mode at Pro mode para mabilis mong mababago ang resolution ng mga litratong kinukuha mo.
Mas madadaling opsiyon sa laki ng video
May lalabas na ngayong pop-up kapag na-tap mo ang button ng laki ng video, kaya mas madali nang makikita ang lahat ng opsiyon at mapipili ang mga tamang opsiyon.
Panatilihing pantay ang iyong mga larawan
Kapag naka-on ang mga grid line sa mga setting ng Camera, may lalabas na ngayong level line sa gitna ng screen habang ginagamit ang camera sa likod sa lahat ng mode maliban sa Panorama. Gagalaw ang linya para ipakita kung pantay sa lupa ang iyong larawan.
Pag-optimize sa kalidad
Puwede kang pumili sa 3 level ng pag-optimize sa kalidad para sa mga larawang kukunin mo. Piliin ang Maximum para makuha ang mga larawan na may pinakamatataas na kalidad. Piliin ang Minimum para mabilis na kumuha ng mga larawan. Puwede mo ring piliin ang Medium para makuha ang pinakamainam na balanse ng bilis at kalidad.
Mga bagong setting ng Auto FPS para sa mga video
Makakatulong sa iyo ang Auto FPS na mag-record ng mas maliliwanag na video kapag madilim. May 3 opsiyon na ngayon ang Auto FPS. Puwede mo itong i-off, gamitin lang ito sa mga 30 fps na video, o gamitin ito sa mga 30 fps at 60 fps na video.
I-off ang pag-swipe pataas/pababa para lumipat ng camera
Opsiyonal na ngayon ang pag-swipe pataas o pababa para magpalipat-lipat sa camera sa harap at camera sa likod. Kung nag-aalala ka sa mga hindi sinasadyang pag-swipe, puwede mo itong i-off sa Settings.
I-apply ang mga effect nang mas madali
Gumagamit na ngayon ang mga filter at face effect ng dial sa halip na slider, kaya mas madali nang gumawa ng mga tumpak na adjustment gamit lang ang isang kamay.
Gallery
Mga mabilisang pag-edit sa view ng detalye
Habang tumitingin ng larawan o video, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para pumunta sa view ng detalye. Nagbibigay na ngayon ang screen na ito ng quick access sa mga effect at feature sa pag-edit na puwede mong i-apply kaagad.
Mag-drag at mag-drop gamit ang 2 kamay
Pindutin nang matagal ang mga larawan at video gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa album kung saan mo gustong i-drop ang mga ito.
Mag-save ng mga na-clip na larawan bilang mga sticker
Kapag may na-clip ka mula sa isang larawan, madali mo itong mase-save bilang sticker na magagamit mo sa ibang pagkakataon kapag nag-edit ka ng mga larawan o video.
Pinahusay na view ng kuwento
Habang tumitingin ng kuwento, may lalabas na thumbnail view kapag nag-swipe ka pataas mula sa ibaba ng screen. Sa thumbnail view, magagawa mong magdagdag o mag-alis ng mga larawan at video mula sa iyong kuwento.
Editor ng Larawan
Pinagandang layout
Mas papadaliin ng bagong menu na Mga Tool ang paghahanap sa mga feature sa pag-edit na kailangan mo. Pinagsama ang mga opsiyong Ituwid at Perspective sa menu na Transform.
Mag-adjust ng mga dekorasyon pagkatapos mag-save
Makakagawa ka na ngayon ng mga pagbabago sa mga drawing, sticker, at text na idinagdag mo sa isang larawan kahit pagkatapos itong i-save.
Mag-undo at mag-redo
Huwag mag-alala kung magkakamali. Madali ka nang makakapag-undo o makakapag-redo ng mga pagbabago, filter, at tone.
Gumuhit sa mga custom na sticker
Kapag lumilikha ng mga custom na sticker, magagamit mo na ang mga tool sa pagguhit para gawing mas personal at natatangi ang iyong mga sticker.
Mga bagong background at istilo ng text
Kapag nagdaragdag ng text sa isang larawan, puwede kang pumili sa ilang bagong background at istilo para matulungan kang makuha ang perpektong hitsura.
Studio (Video Editor)
Mas mahusay na pag-edit ng video
Ang Studio ay isang bagong project-based na video editor, na nagbibigay-daan sa mas kumplikado at mahusay na pag-edit. Maa-access mo ang Studio mula sa Drawer menu sa Gallery o puwede kang magdagdag ng icon sa iyong Home screen para mas mabilis itong ma-access.
Layout ng timeline
Magbibigay-daan sa iyo ang Studio na matingnan ang iyong buong proyekto bilang isang timeline na naglalaman ng maraming video clip. Magbibigay-daan sa iyo ang istruktura na may maraming layer na makapagdagdag ng mga clip, sticker, subtitle, at iba pang bagay at i-adjust ang posisyon at haba ng mga ito nang walang kahirap-hirap.
Mag-save at mag-edit ng mga proyekto
Makakapag-save ka rin ng mga hindi pa tapos na proyektong pelikula para maipagpatuloy mo ang pag-edit sa mga ito sa ibang pagkakataon.
Video Player
Pinagandang layout
Mas madali na kaysa dati ang mga kontrol sa video player. Pinagsama-sama ang mga button na may magkakatulad na function, at inilipat ang button na I-play sa gitna ng screen.
Mga pinahusay na kontrol sa bilis ng pag-playback
Pumili sa ilang bilis ng pag-playback ng video na mula 0.25x hanggang 2.0x. Mas madali nang i-access ang mga kontrol sa bilis gamit ang mga nakalaang button sa halip na slider.
Samsung Health
Bagong hitsura para sa Home screen
Ganap na binago ang Home screen ng Samsung Health. Mas marami pang impormasyon ang ipinapakita, habang mas pinapadali ng mga bold na font at kulay na makita ang impormasyong pinakakailangan mo. Ipapakita ang iyong pinakabagong resulta ng ehersisyo sa itaas ng screen, at magbibigay ng mas marami pang feedback tungkol sa iyong score ng tulog pati na sa iyong mga pang-araw-araw na goal para sa mga hakbang, aktibidad, tubig, at pagkain.
Mga custom na laki ng baso ng tubig
Mako-customize mo na ang laki ng mga baso sa Water tracker ng Samsung Health para tumugma sa laki ng baso na karaniwan mong iniinuman.
Kalendaryo
Ang iyong iskedyul sa isang sulyap
Sa bagong view ng iskedyul, makikita nang sunod-sunod ang iyong mga paparating na event, gawain, at paalala.
Tingnan ang iyong mga paalala sa Calendar
Magagawa mo nang tumingin at magdagdag ng mga paalala sa Calendar app nang hindi binubuksan ang Reminder app.
Maglipat ng mga kaganapan gamit ang 2 kamay
Sa view ng Araw o Linggo, pindutin nang matagal ang kaganapan na gusto mong ilipat gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa araw kung saan mo ito gustong ilipat.
Paalala
Pinagandang view ng listahan ng paalala
Binago ang disenyo ng pangunahing view ng listahan. Mapapamahalaan mo ang mga kategorya sa itaas ng screen. Sa ibaba ng mga kategorya, ipapakita ang iyong mga paalala na nakaayos ayon sa petsa. Pinaganda rin ang layout para sa mga paalalang naglalaman ng mga larawan at link sa web.
Mga bagong kategorya ng paalala
Ang kategoryang Lugar ay naglalaman ng mga paalalang mag-aalerto sa iyo kapag nasa isang partikular na lugar ka, at ang kategoryang Walang alerto ay naglalaman ng mga paalalang hindi nagbibigay ng anumang alerto.
Mas marami pang opsiyon para sa paglikha ng mga paalala
Kapag nagbabahagi ng content sa Reminder app, magkakaroon ka ng mga kumpletong opsiyon sa pag-edit bago likhain ang iyong paalala. Puwede ka ring kumuha ng mga larawan gamit ang camera kapag lumilikha ng paalala.
Lumikha ng mga paalala para sa buong araw
Makakalikha ka na ng mga paalala para sa isang buong araw at mako-customize mo na ang oras kung kailan mo gustong maalertuhan tungkol sa mga ito.
Samsung Internet
Mag-play ng mga video sa background
Patuloy na mag-play ng tunog ng video kahit na umalis ka sa kasalukuyang tab o umalis ka sa Internet app.
Pinagandang tab list view para sa malalaking screen
Kapag gumagamit ng Internet sa isang malaking screen, tulad ng tablet na nasa landscape view o Samsung DeX, ipapakita ang tab list view sa 2 column para mas marami pang impormasyon ang makita mo sa screen sa isang pagkakataon.
Maglipat ng mga bookmark at tab gamit ang 2 kamay
Pindutin nang matagal ang bookmark o tab na gusto mong ilipat gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa folder ng bookmark o grupo ng tab kung saan mo ito gustong ilipat.
Smart select
Palitan ang laki at i-extract ang text mula sa naka-pin na content
Kapag nag-pin ka ng larawan sa screen, magagawa mo nang palitan ang laki nito o i-extract ang text mula rito.
Pinalaking view
Kapag pumipili ng isang bahagi ng screen, may lalabas na pinalaking view para masimulan at matapos mo ang iyong pagpili sa perpektong lugar.
Bixby text call
Lumipat sa Bixby habang nasa tawag
Puwede kang lumipat sa Bixby text call anumang oras, kahit na nagaganap na ang tawag.
Mga Mode at Routine
Baguhin ang hitsura ng iyong Lock screen
Mag-set up ng iba’t ibang Lock screen na may kanya-kanyang wallpaper at istilo ng orasan kapag ikaw ay nagmamaneho, nagtatrabaho, nag-eehersisyo, at marami pa. Sumubok ng madilim na wallpaper para sa Sleep mode o nakakakalmang wallpaper para sa Relax mode. Kapag in-edit mo ang Lock screen para sa isang mode, makikita mo ang wallpaper na iyon sa tuwing naka-on ang mode na iyon.
Mga bagong kundisyon
Makakapagsimula ka na ng routine kapag nagpe-play ng media ang isang app.
Mga bagong pagkilos
Mas marami nang magagawa ngayon ang iyong mga routine, tulad ng pagbabago ng mga setting ng iyong Samsung Keyboard.
Smart suggestions
Bagong hitsura at dating
Binago ang disenyo ng Smart suggestions widget at may bago na itong layout na mas akma sa iba pang icon sa iyong Home screen.
Mas marami pang pag-customize
Magagawa mo nang i-adjust ang transparency at pumili sa puti o itim na background. Makakapagtakda ka rin ng mga app na ibubukod sa mga suhestyon.
Finder
Mga mabilisang pagkilos para sa mga app
Kapag lumabas ang isang app sa iyong mga resulta ng paghahanap, puwede mong pindutin nang matagal ang app para magkaroon ng quick access sa mga pagkilos na puwede mong gawin gamit ang app. Halimbawa, kung hahanapin mo ang Calendar app, lalabas ang mga button para sa pagdaragdag ng kaganapan o paghahanap sa iyong kalendaryo. Kusa ring lalabas sa mga resulta ng paghahanap ang mga pagkilos sa app kung hahanapin mo ang pangalan ng pagkilos sa halip na pangalan ng app.
Aking mga file
Magbakante ng espasyo sa storage
Lalabas ang mga card ng rekomendasyon para tulungan kang magbakante ng espasyo sa storage. Irerekomenda ng Aking Mga File na tanggalin ang mga hindi kailangang file, magbibigay ito sa iyo ng mga tip para sa pag-set up ng cloud storage, at ipapaalam din nito sa iyo kung aling mga app sa phone mo ang gumagamit ng pinakamalaking espasyo sa storage.
Naka-integrate na Trash sa Gallery at Voice Recorder
Pinag-isa na ang mga feature na Trash ng Aking Mga File, Gallery, at Voice Recorder. Kapag binuksan mo ang Trash sa Aking Mga File, sama-sama mong makikita ang mga file, larawan, video, at recording ng boses na tinanggal mo, kasama ang mga opsiyon para sa pag-restore o permanenteng pagtatanggal.
Kumopya ng mga file gamit ang 2 kamay
Pindutin nang matagal ang file na gusto mong kopyahin gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa folder kung saan mo gustong maglagay ng kopya nito.
Samsung Pass
Mga mas ligtas na pag-sign in gamit ang mga passkey
Gumamit ng mga passkey para mag-sign in sa mga suportadong app at website. Hindi tulad ng mga password, naka-store lang ang iyong passkey sa phone mo at hindi ito mali-leak sa pamamagitan ng breach sa seguridad ng isang website. Poprotektahan ka rin ng mga passkey mula sa mga phishing attack dahil gumagana lang ang mga ito sa website o app kung saan nakarehistro ang mga ito.
Settings
Mas mahusay na Airplane mode
Kung io-on mo ang Wi-Fi o Bluetooth habang naka-on ang Airplane mode, matatandaan ito ng phone mo. Sa susunod na gamitin mo ang Airplane mode, mananatiling naka-on ang Wi-Fi o Bluetooth sa halip na mao-off.
Mas madaling access sa mga setting ng baterya
May sarili nang menu ng mga setting sa itaas na level ang mga setting ng baterya para madali mong matitingnan ang iyong paggamit ng baterya at mapapamahalaan ang mga setting ng baterya.
I-block ang mga banta sa seguridad
Makakuha ng karagdagang proteksyon para sa iyong mga app at data. Pipigilan ng Auto Blocker na ma-install ang mga hindi kilalang app, susuriin nito kung may malware, at iba-block nito ang mga mapaminsalang command para hindi maipadala ang mga ito sa iyong phone gamit ang USB cable
Accessibility
Mas madaling mahanap ang mga pagpapahusay para sa paningin
Pinag-isa na sa menu na Mga pagpapahusay para sa paningin ang mga menu na Spoken assistance at Mga pagpapahusay para sa visibility para sa mas mabilis at mas madali itong ma-access.
Mga bagong opsiyon sa pag-magnify
I-customize kung paano lalabas ang iyong window ng pag-magnify. Puwede mong piliin ang full screen, partial screen, o payagan ang pagpapalipat-lipat sa dalawa.
I-customize ang kapal ng cursor
Mapapakapal mo na ang cursor na lumalabas habang nag-e-edit ng text para mas madali itong makita.
Matuto pa tungkol sa accessibility
Nagdagdag ng link sa web page ng Samsung Accessibility sa Mga setting sa accessibility para matuto ka pa tungkol sa mga feature ng accessibility at sa aming mga pagsisikap na gawing accessible sa lahat ang aming mga produkto.
Digital Wellbeing
Pinagandang layout
Binago ang disenyo ng pangunahing screen ng Digital Wellbeing, kaya mas madaling makita ang impormasyong kailangan mo.
Mas marami pang content sa iyong lingguhang ulat
Ipapaalam na sa iyo ng lingguhan mong ulat sa paggamit ang tungkol sa mga hindi pangkaraniwang pattern ng paggamit, mga oras na pinakamadalas kang gumagamit, at kung paano mo binabalanse ang iyong oras na nasa screen.