Upgrade sa One UI 5 (Android 13)
Ang One UI 5 ay naghahatid sa iyo ng higit pang personalization at pinapadali nito ang paggawa ng mga bagay-bagay sa lahat ng iyong Galaxy device.
Visual na disenyo
Mga bagong icon ng app at illustration
Mas malaki ang mga simbolo ng icon para sa mas bold na hitsurang mas madaling ma-scan. Ang mga subtle na gradient sa background at pinagandang contrast ay nagbibigay ng mas fresh at mas natural na dating. Gumawa ng mga bagong illustration ng tulong na nagbibigay ng consistent na hitsura sa lahat ng app.
Mas smooth kaysa sa dati
Mas natural ang dating ng paglipat-lipat ng screen dahil sa mga bagong animation at transition effect. Agad na lumalabgas ang mga animation at iba pang visual feedback kapag pinindot mo ang screen, kaya nagiging mas intuitive ang mga interaction. Pinahusay ang pag-scroll para maging mas smooth ang pag-scroll sa buong One UI.
Pinagandang mga blur effect at kulay
Pinahusay ang mga background blur effect sa quick panel, Home screen, at sa buong One UI sa pamamagitan ng mas matitingkad na kulay para sa mas malinaw at mas maaasahang karanasan. Ang mga pinasimpleng color scheme ng app ay nakakatulong sa iyong makaiwas sa mga distraksyon at mapagtuunan ang kasalukuyan mong gawain.
Pag-customize
I-customize ang iyong Lock screen
Pindutin lang nang matagal ang Lock screen para i-edit ito. Ano pa ba’ng mas sisimple pa rito? I-customize ang iyong wallpaper, estilo ng orasan, mga setting ng notification, at higit pa, na may live preview, lahat sa iisang lugar.
Mas maraming mapagpipiliang wallpaper
Binago ang disenyo ng mga setting ng wallpaper para mapadali ang paghahanap ng perpektong wallpaper para sa iyong Home at Lock screen. Mas maraming imahe, video, kulay, at filter na mapagpipilian.
Mas maraming opsyon para sa iyong Palette ng kulay
Mas madaling hanapin ang mga kulay na tama para sa iyo. Pumili ng hanggang 16 na color theme batay sa iyong wallpaper at mga preset color theme na dinisenyo para magmukhang maganda.
Madaling makita kung sino ang tumatawag
Magtakda ng ibang background ng tawag para sa bawat contact para madali mong makita kung sino ang tumatawag sa isang sulyap lang.
Mga mode at routine
Pumili ng mga mode batay sa iyong aktibidad
Pumili ng mode batay sa kung ano’ng ginagawa mo, gaya ng pag-eehersisyo, pagtatrabaho, o pagre-relax, piliin kung ano’ng gusto mong gawin ng telepono mo sa bawat sitwasyon. Halimbawa, i-on ang Huwag istorbohin kapag nagre-relax ka o nagpe-play ka ng musika habang nagmamaneho ka.
Ang Bedtime mode ay Sleep mode na ngayon
Hinahayaan ka ng Sleep mode na mag-automate ng mas maraming aksyon kapag oras nang matulog, tulad ng pag-on sa Dark mode at pagbabago sa sound mode.
Mas madaling tumuklas ng mga preset routine
Pinapadali ng pinasimpleng layout na maghanap ng mga routine na kapaki-pakinabang para sa iyo.
Mag-check ng mga running routine nang mabilis
Ang mga routine na kasalukyang nagra-run ay ipinapakita na ngayon sa itaas ng screen ng Mga Routine para maunawaan mo kung ano’ng nangyayari at gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan.
Mas maraming aksyon at kundisyon para sa iyong mga routine
Awtomatikong magsimula ng mga routine kapag ginagamit mo ang Airplane mode o Mobile Hotspot. Ang mga routine ay puwede na ngayong magbukas ng mga app pair at magbago sa left/right sound balance.
Mga widget sa home screen
Mag-stack ng mga widget sa iyong Home screen
Magsama ng ilang widget na may pare-parehong laki sa iisang widget para makatipid ng espasyo sa iyong Home screen. Mag-drag lang ng widget sa ibang widget para makagawa ng stack, pagkatapos ay mag-swipe para magpalipat-lipat ng widget. Puwede kang magdagdag ng mga widget sa iyong stack anumang oras sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop.
Kumuha ng mga mungkahi sa inyong Home screen
Alam na ng bagong Smart suggestions widget kung ano’ng kailangan mo bago mo pa man maisip ito. Nagmumunagkahi ito ng mga app na gagamitin, mga taong tatawagan, at iba pang kapaki-pakinabang na tips. Ang mga suhestiyon ay batay sa mga pattern ng paggamit mo.
Multitasking
Baguhin ang iyong view gamit ang isang gesture
Lumipat mula sa full screen patungo sa split screen na view sa pamamagitan ng pag-swipe paloob gamit ang dalawang daliri mula sa pinakababa ng screen. Lumipat mula sa full screen patungo sa pop-up view sa pamamagitan ng pag-swipe paloob gamit ang isang daliri mula sa alinmang sulok sa itaas ng screen. Maaaring i-on o i-off ang mga gesture sa Settings Labs.
Mabilis na buksan ang mga app sa split screen
Mag-drag lang ng app mula sa screen ng Recents papunta sa gilid ng screen kung saan mo ito gustong buksan.
Mga nakakonektang device
Gumawa ng mas marami sa iyong mga nakakonektang device
Ang menu ng Mga nakakonektang device ay idinagdag sa Settings, kaya nagiging mas mabilis at madaling mag-access ng mga feature na gumagana sa iba pang mga device, tulad ng Quick Share, Smart View, at Samsung DeX.
Magtago ng mga notification sa iyong TV
Kapag tumitingin ng content mula sa iyong telepono sa iyong TV gamit ang Smart View, puwede mong piliing magtago ng mga notification sa iyong TV para mahadlangan ang iba na makita ang iyong personal na impormasyon.
Mag-play ng tunog mula sa iyong telepono sa anumang Chromecast device
Lalabas ang mga available na Chromecast device kapag na-tap mo ang Media output sa quick panel ng iyong telepono. I-tap lang ang device kapag gusto mong mag-play ng musika o iba pang audio content.
Camera at Gallery
Mag-zoom nang mas madali gamit ang isang kamay
Ang zoom bar ay siniksik para makapag-zoom in o out ka nang husto gamit ang isang swipe.
Makakuha ng tulong sa Pro mode
Lalabas ang isang icon ng tulong sa Pro at Pro video mode. I-tap ang icon para makakuha ng mga tip at gabay para sa paggamit ng iba’t ibang lens, opsyon, at kontrol.
Histogram sa Pro mode
Gamitin ang histogram para masuri ang liwanag ng bawat tone para matulungan kang makuha ang perpektong exposure.
Magdagdag ng mga watermark sa iyong mga litrato
Awtomatikong magdagdag ng watermark sa bawat litrato na naglalaman ng petsa at oras noong kinunan ang litrato, pangalan ng modelo ng iyong telepono, o iba pang custom na impormasyon.
Sinusuportahan na ang telephoto lens sa Food mode
Kumuha ng mas magagandang close-up shot ng pagkain gamit ang telephoto lens.
Binagong Single take
Pinasimple at na-streamline ang Single take mode. Ang mas kaunting opsyon at mas maiikling recording time ay nagpapabilis at napapadali sa pagkuha ng magagandang shot.
Pumili ng mga filter nang mas madali
Ang filter selection menu ay na-streamline sa Camera, Editor ng Larawan, at Video Editor. Ang lahat ng filter ay available sa isang listahan, kaya mas madaling mahanap ang perpektong filter para sa iyong litrato o video.
Mag-customize ng mga album sa Gallery
Piliin kung aling mga album ang lumalabas bilang default at magtago ng mga album na hindi madalas na ginagamit para mapanatiling kaunti ang kalat. Puwede ka ring mag-merge ng mga album na magkapareho ang pangalan at gumawa ng mga album na awtomatikong nag-a-update para magsama ng mga larawang pipiliin mo.
All-new look para sa Stories
Ang Stories na awtomatikong ginagawa sa iyong Gallery ay binago at nilagyan ng interactive na slideshow view. Mag-tap o mag-swipe lang sa pagitan ng mga litrato at video sa iyong kuwento.
Photo at Video Editor
Gumawa ng mga sticker gamit ang anumang litrato
Gumawa ng mag reusable sticker gamit ang anumang litrato sa iyong gallery. Piliin lang ang bahagi ng litrato na gusto mong gamitin bilang sticker, pagkatapos ay i-adjust ang kapal at kulay ng mga outline.
Mas maraming paraan para mag-edit ng mga GIF
Puwede mong i-trim at i-adjust ang ratio ng mga animated GIF para iwasto ang laki nito. Puwede mo ring gamitin ang parehong editing feature na available para sa mga still image para i-decorate ang iyong GIF sa paraang gusto mo.
Panatilihin ang mga portrait mode effect kahit tapos nang mag-edit
Pinananatili na ngayon ang mga portrait mode effect kahit tapos nang mag-crop o magpalit ng mga filter para ma-adjust mo ang background blur anumang oras.
Gumuhit ng mga perpektong hugis sa mga litrato at video
Gamitin ang pen tool para gumuhit ng hugis gaya ng bilog, tatsulok, parihaba, o puso. I-hold ang daliri mo sa screen kapag tapos ka nang mag-drawing para i-transform ito kaagad sa mga tuwid na linya at perpektong anggulo.
Mga bagong sticker para sa mga larawan at video
60 bagong preloaded emoji sticker ang available para sa pag-decorate sa iyong mga litrato at video.
Mga AR Emoji at sticker
Mga bagong AR Emoji sticker
Kapag gumawa ka ng bagong AR Emoji, 15 sticker ang ginagawa bilang default na nagbigay sa iyo ng mas maraming paraan para ipahiwatig ang iyong sarili. Kung hindi ‘yon sapat, mayroon ding mas marami pang AR Emoji stickers na available na mada-download para palagi kang makahanap ng sticker na tumutugma sa iyong mga emosyon.
Gumawa ng mas marami gamit ang mga AR Emoji
Gumamit ng mga transparent na background para sa mga AR Emoji sticker, o pumili ng anumang litrato sa iyong Gallery na magagamit bilang background para sa iyong emoji sa AR Emoji Camera. Maaari ka ring mag-pair up ng dalawang emoji nang magkasama at gumawa ng nakakatuwang sayaw at pose.
Samsung Keyboard
May mga bagong emoji na available para sa emoji pairs
Sa Samsung Keyboard, mahigit 80 pang dagdag na emoji ang available para sa paggawa ng emoji pair. Puwede ka na ngayong magsama ng mga emoji batay sa mga hayop, pagkain, at iba pang bagay bilang karagdagan sa mga facial expression. Piliin ang perpektong kumbinasyon para maiparating ang iyong feelings.
I-rearrange ang mga expression button sa Samsung Keyboard
Pindutin nang matagal ang emoji, sticker, at iba pang mga button para baguhin ang puwesto ng mga ito.
Maglagay ng kaomoji nang direkta mula sa Samsung keyboard
Pasayahin ang iyong mga chat at text gamit ang mga preset na ekspresyon ng mukha na ginawa gamit ang mga simbolo sa keyboard. (*^.^*)
I-customize ang spacebar row sa Samsung Keyboard
Maaari mong piliin kung aling mga function key at punctuation mark ang ipapakita sa ibabang row ng keyboard sa tabi ng spacebar.
Mag-extract at mag-scan ng text
Mag-extract ng text mula sa anumang larawan o screen
Mag-extract ng text gamit ang Samsung Keyboard, Internet, Gallery, o tuwing kukuha ka ng screenshot. I-paste ang resulta sa mensahe, email, o dokumento sa halip na mag-type.
Makatanggap ng mga mungkahi batay sa text sa mga larawan
Kapag may text ang sa isang imahe sa Gallery, Camera, o iba pang app, may mga aksyong irerekomenda ang batay sa text. Halimbawa, kung kukuha ka ng larawan ng isang karatulang may numero ng telepono o web address, maaari kang mag-tap para tawagan ang numero o bisitahin ang site.
Ang text extraction at mga suggestion feature ay sinusuportahan lang para sa English, Korean, French, Italian, German, Spanish, Portuguese, at Chinese.
Samsung DeX
Enhanced taskbar sa Samsung DeX
Nagdagdag ng search button para padaliin ang paghahanap ng mga app na gusto mong gamitin, at puwede kang mag-right-click ng ilang app para mabilis na ma-access ang mga gawain sa loob ng app. Puwede mo ring i-customize kung aling mga button ang gusto mong lumabas sa taskbar mo.
Bagong notification indicator sa DeX
Lalabas ang isang pulang tuldok sa notification button sa iyong taskbar kung nakatanggap ng mga bagong notification mula noong huli mong binuksan ang notification panel.
Mini calendar sa DeX
Ang pag-click sa petsa sa iyong taskbar ay nagbubukas na ngayon ng mini calendar, na nagbibigay-daan sa iyong mabilis na ma-check ang iyong iskedyul nang hindi binubuksan ang buong Calendar app.
Mga Notification
Kunin lang ang mga notification na pinapayagan mo
Kapag gumagamit ka ng app sa unang pagkakataon, tatanungin ka kung nais mong makatanggap ng mga notification mula rito. Huwag mag-atubiling umayaw sa mga app na ayaw mong makaistorbo sa iyo.
Mas madaling access sa mga kontrol ng app notification
Nagpapadala ba ang isang app ng masyadong maraming notification? Mas madali na ngayon itong i-block gamit ang mga na-reorganize na setting ng notification kung saan inilalagay sa itaas ang mga kontrol ng app notification. Puwede ka ring direktang pumunta sa mga setting ng app notification gamit ang button sa ibaba ng notification panel.
Piliin kung aling mga uri ng notification ang puwedeng ipadala ng mga app
Maaari ka na ngayong magkaroon ng hiwalay na kontrol sa kung puwedeng magpakita ang mga app ng mga pop-up notification, badge ng app icon, at mga notification sa Lock screen. Payagan ang lahat ng uri, ilan, o wala. Ikaw ang bahala.
Bagong layout para sa mga notification
Ang mga app icon ay mas malaki, kaya mas madaling makita kung aling app ang nagpadala sa notification. Pinaganda rin ang text alignment para gawing mas madaling mabasa ang mga notification.
Mga Setting
Mag-set ng wika para sa bawat app
Gusto mo bang gumamit ng ibang apps sa isang wika at ibang apps sa iba? Puwede mo na ngayong piliin kung aling wika ang gagamitin para sa bawat app sa Settings.
Mag-set ng mga exception para sa Huwag istorbohin
Puwede ka na ngayong mag-set ng mga indibidwal na contact bilang mga exception sa Huwag istorbohin. Magri-ring o magva-vibrate ang telepono mo kapag tinatawagan o pinapadalhan ka ng mga mensahe ng mga taong pinipili mo, kahit na naka-on ang Huwag istorbohin. Mas madaling mag-set ng mga app bilang mga exception para makakuha ka ng mga notification alert sa mga ito kahit na naka-on ang Huwag istorbohin. Piliin lang ang mga app na gusto mong payagan mula sa bagong grid.
Pinahusay na mga setting ng sound at vibration
Na-reorganize ang mga menu para padaliin ang paghahanap ng mga opsyon ng sound at vibration na kailangan mo. I-set ang ringtone mo at baguhin ang volume at mga setting ng vibration, sa iisang lugar.
Higit pang mga opsyon para sa RAM Plus
Puwede na ngayong i-off nang ganap ang RAM Plus sa Device care kung hindi mo ito kailangan o ayaw mo itong gumamit ng anumang storage space.
Auto optimization
Pinananatili ng Device care na gumagana nang smooth ang device mo sa pamamagitan ng awtomatikong pagsasagawa ng mga optimization sa background. Para panatiling nasa pinakamagandang kundisyon ang telepono mo, puwede mong i-set ang telepono mo para awtomatikong mag-restart kung kinakailangan.
Seguridad at privacy
I-check ang security status ng telepono mo sa isang sulyap
Ang bagong Security dashboard sa Settings ay nagpapakita kung may anumang isyung panseguridad ang telepono mo at tinutulungan ka nitong maayos ang mga iyon nang mabilis.
Hadlangan ang aksidenteng pag-share ng personal na impormasyon
Ang share panel ay magbibigay-daan sa iyong subukang mag-share ng mga larawan na naglalaman ng sensitibong impormasyon, gaya ng mga credit card, ID card, o pasaporte, para mapag-isipan mo kung gusto mo talagang i-share ang mga ito.
Impormasyon sa seguridad at privacy para sa mga website
Lalabas ang isang sa address bar sa Samsung Internet para maipakita ang security status ng isang site. I-tap ang icon para malaman kung anong impormasyon ang kinokolekta at tina-track ng website.
Accessibility
Higit pang mga opsyon sa accessibility sa quick panel
Puwedeng idagdag ang High contrast font, Color inversion, Color adjustment, at Color filter sa quick panel para sa mas madaling access.
Ang Magnifier ay mas madaling i-access
I-on ang Magnifier shortcut sa Accessibility settings para magkaroon ng mabilis na access sa Magnifier feature. Ginagamit ng Magnifier ang camera ng telepono para magpalaki ng mga item sa totoong mundo para matingnan mo ito nang malapitan o gawing mas madali itong mabasa.
Higit pang spoken assistance
Pumili sa iba’t ibang uri ng voice feedback para makakuha ng tulong sa iyong telepono kahit na hindi mo makita ang screen nang malinaw. Puwede mong ipabasa sa telepono mo ang keyboard input para tiyak kang na-type mo ang tamang titik, gamitin ang Bixby Vision para makilala ang mga bagay na malapit at masabi sa iyo kung ano ang mga iyon, at ma-on ang mga audio description na nagpapaliwanag kung ano’ng nangyayari sa isang video (para sa mga sinusuportahang video lang).
I-edit nang madali ang Accessibility button mo
I-tap nang matagal ang Accessibility button para mabilis na mabago ang mga feature na ina-access mo gamit ang button.
May mga bagong aksyong available para sa Corner actions
Kung gumagamit ka ng mouse o trackpad, may mga bagong aksyong available kapag inilagay mo ang mouse pointer sa isa sa 4 na sulok ng screen. Puwede ka na ngayong mag-click at mag-hold, mag-drag, o mag-drag at mag-drop.
Mga karagdagang pagbabago
Gumamit ng ilang timer nang sabay-sabay
Puwede ka na ngayong magsimula ng bagong timer sa Clock app kahit na may ibang nagra-run na timer.
Higit pang kontrol sa mga event invitee sa kalendaryo
Kapag nagdagdag ka ng event sa iyong Google calendar sa Samsung Calendar app, puwede mong piliin kung pinapayagan ang mga invitee na makita kung may ibang imbitado sa event at piliin din kung puwede silang mag-imbita ng ibang mga tao.
Magdagdag ng mga video conference sa iyong mga event
Kapag gumagawa ka ng Google calendar event sa Samsung Calendar app, puwede ka ring mag-set up ng video conference. Ang lahat ng imbitado sa iyong event ay makakatanggap sa link sa video conference.
Magdagdag ng mga sticker sa iyong Google calendar
Magdagdag ng mga sticker sa Google calendar events sa Samsung Calendar app para gawing mas madaling makita ang mga iyon sa isang sulyap. Ipinapakita ang mga sticker sa calendar at agenda view.
Makita ang lahat ng paalalang due ngayong araw
Ang bagong kategoryang Ngayong Araw ay nagpapakita lang ng mga paalalang due ngayong araw. Puwede mo ring ma-check ang mga paalalang due ngayong araw sa itaas ng main screen sa Reminder app.
Ipakita at itago ang mga nakumpletong paalala
Puwede kang magpakita o magtago ng mga nakumpletong paalala sa anumang kategorya. Ipakita para makita kung ano na’ng natapos mo, o itago para manatiling nakatuon sa mga bagay na kailangan mong matapos.
Piliin ang tamang view para sa iyong mga paalala
Piliin ang simpleng view para magpakita ng mas maraming paalala sa screen nang sabay-sabay o isang expanded na view na kinabibilangan ng mga detalye gaya ng due date at mga kundisyon ng pag-uulit.
I-drag at i-drop ang mga bookmark sa pagitan ng mga folder
Panatilihing nakaayos ang iyong mga bookmark sa Samsung Internet sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop sa mga ito sa pagitan ng mga folder.
Mas mahusay na paghahanap sa Aking mga File
Piliin kung sa lahat ng file o sa mga file na nasa kasalukuyang folder lang maghahanap. Maaari ka ring pumili sa pagitan ng paghahanap lang ng mga pangalan ng file o paghahanap ng impormasyon sa loob ng mga file, tulad ng text sa mga dokumento o impormasyon ng lokasyon sa mga larawan. Kapag tapos na ang iyong paghahanap, maaari mong isalansan ang mga resulta ayon sa pangalan, petsa, laki, o uri ng file.
Na-redesign na Digital Wellbeing
Ang bagong dashboard ay nagpapakita ng mas malinaw na mga detalye ng paggamit at pinapadali nito ang pag-access sa mga feature na kailangan mo, gaya ng mga app timer at screen time report.
Kumuha ng tulong sa isang emergency
Mabilis na pindutin ang Side key nang 5 beses para tumawag sa emergency services kahit na nasa bulsa mo ang telepono mo o hindi ka makapagsalita.
Integrated emergency contact list
Gumawa ng emergency contact list na kinabibilangan ng mga taong gusto mong ma-contact kung sakaling may emergency. Ang parehong contact list ay puwedeng gamitin para sa mga emergency feature sa iyong relos at sa telepono.
Ipakita ang mga pangalan ng app sa edge panel ng Mga App
I-on ang Ipakita ang mga pangalan ng app para ipakita ang mga pangalan ng app sa ibaba ng mga icon ng app.
Kakailanganin ng ilang app na mai-update nang hiwalay matapos mag-upgrade sa One UI 5.